Orange rainfall warning nakataas sa Laguna at Quezon

Nakataas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa mga lalawigan sa Southern Luzon.

Dahil ito sa nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area at Habagat.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ngayong umaga ng Biyernes, October 9, orange warning na ang umiiral sa Laguna at Quezon.

Yellow warning naman ang nakataas sa Batangas at sa Cavite.

Babala ng PAGASA, maaaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa Bataan sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa lalawigan ng Rizal at sa mga bayan ng Angat at Dona Remedios Trinidad sa Bulacan.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

 

 

 

 

Read more...