Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 7,709

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Huwebes, October 8), nadagdagan ng 116 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 7,709.

Sa nasabing bilang 813 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 311 kung saan nakapagtala ng 8 bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 8,835 na.

Read more...