Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 11,100 na

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Huwebes, October 8, 12NN), 11,100 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 248 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 2,045.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 13,393.

Samantala, nasa 5,979 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

Read more...