Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 42,674

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (October 8, 3:00 PM) nakapagtala ng 405 na bagong kaso kaya pumalo na sa 42,674 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 11,302
Laguna – 13,171
Batangas – 7,612
Rizal – 8,337
Quezon – 2,252

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 16,329.

Nasa 25,362 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 1,066 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 6,202
Laguna – 8,670
Batangas – 4,827
Rizal – 4,330
Quezon – 1,333

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 17 kaya umabot na sa 983 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 238
Laguna – 226
Batangas – 187
Rizal – 259
Quezon – 73

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...