Bilang bahagi ng requirement para siya ay makabalik sa Vatican City, sumailalim sa swab test si Cardinal Luis Antonio Tagle sa Philippine Red Cross bio-molecular laboratory sa Mandaluyong City.
Sinamahan siya ni PRC Chairman Sen. Richard Gordon, na sumailalim din sa kanyang regular swab test.
Magugunita na nag-positibo sa COVID-19 ang Prefect of the Vatican Congregation for the Evangelization of People nang magbalik ito sa bansa noong Setyembre 10 mula sa Rome.
Matapos ang kanyang test, ipinagdasal ni Cardinal Tagle ang mga medical techonologists, swabbers, volunteers at staff ng Red Cross.
“I am very proud of what you do. It is important that they feel the care, that they are not just a case, but they are human beings,” bilin ni Cardinal Tagle.
Samantala, hiling din ni Gordon ang magandang kalusugan ni Cardinal Tagle, “I wish Cardinal Tagle good health and more strength with each coming day, and guidance from our Lord as he continue his mission to the Vatican.”
Binasbasan din ni Cardinal Tagle ang pasilidad ng Red Cross.