Resolusyon ng UNHRC kaugnay sa pagtugon ng Pilipinas sa extra judicial killings at human rights violation welcome sa Malakanyang

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council na bigyan ng technical assistance at capacity building ang Pilipinas para tugunan ang extra judicial killings at human rights violation sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tama ang ginawang resolusyon ng UNHRC at nagpapasalamat aniya ang Palasyo.

“Well to begin with, we are thankful to the UN Human Rights Council. Tama po naman yung kanilang ginawang resolusyon at nagpapasalamat po kami. Yan po ay nagpapakita na nagtitiwala pa rin ang UN Human Rights Council sa mga institusyon para mapanagot po ang mga lumalabag sa karapatang pantao ng ating mga kababayan,” pahayag ni Roque.

Makikipagtulungan aniya ang pamahalaan ng PIlipinas sa UNHRC.

“So we will fully cooperate po with the UN Human Rights system dahil yan naman po ang gusto natin. We are not saying we’re perfect. Kaya nga kung gusto ninyo, wag niyo na kami pulaan, tulungan niyo na lang kami. At ito pong latest resolution ng UN Human Rights Council na nagbibigay ng technical assistance sa atin, it’s very much appreciated,” pahayag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na dapat na ituro ng UNHRC kung saan nagkukulang ang PIlipinas para maayos na matugunan ang problema.

“Nagpapasalamat po kami muli dahil ito naman po ang kailangan natin. Kung saan tayo nagkukulang, sabihin po nila kung saan tayo nagkukulang at tulungan nila na mapagana pa ng mas efficient as sistema natin dito sa Pilipinas,” pahayag ni Roque

 

 

Read more...