BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 331,869

Nakapagtala ng mahigit 2,000 na panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (October 8), umabot na sa 331,869 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 51,482 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,363 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.8 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 144 naman ang dagdag na napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 6,069 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 697 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 274,318 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

Read more...