Ito ay matapos mahalal si Duque bilang chairman ng World Health organization Regional Committee for the Western-Pacific.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay ito na nagtitiwala ang WHO sa kakayahan ni Duque.
“Our congratulations to Secretary Duque, my classmate in the Cabinet, at ito po ay nagpapatunay na nagtitiwala po ang WHO sa kakayahan ni Secretary Duque,” pahayag ni Roque.
Patunay aniya ito na kinikilala ng WHO ang epektibong pagtugon ng pamahalaan sa Covid 19.
“Siguro po kinikilala natin na sa region talagang ang response natin sa Covid ay mukha naman pong epektibo at naniniwala po ang WHO na tama ang mga hakbang na ginagawa natin para labanan ang Covid-19 habang wala pang bakuna, habang wala pang gamot,” pahayag ni Roque.
Unopposed o nagkakaisa ang 37 member states sa pagboto kay Duque sa naturang pwesto.
Uupo sa puwesto si Duque sa loob ng isang taon.