Malakanyang handang magpatawag ng special session sakaling kapusin sa panahon ang Senado sa pagbasa ng national budget

Photo grab from PCOO Facebook video

Nakahanda ang Palasyo ng Malakanyang na magpatawag ng special session sakaling kapusin ng panahon ang Senado para pagpasa sa 2021 national budget na aabot sa P4.5 trilyon

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon, may sapat na panahon pa ang Senado na ipasa ang budget dahil nakalusot naman na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang pambansang pondo.

“Kung kinakailangan po talaga, meron naman pong Dec. 14 na adjournment for Christmas ang Kongreso. Kung kinakailangan after Dec. 14, doon po magpapatawag ng special session. Wala naman pong prejudice iyan,” ayon kay Roque.

Wala aniyang nakikitang legal na hadlang ang Palasyo para hindi maipasa ang budget.

Kahit aniya maipasa sa third and final reading Kamara ang budget sa November 16 may sapat na panahon pa rin ang Senado para pagtibayin sa plenaryo ang kanilang berson dahil sa December 14 pa naman ang susunod na break ng sesyon.

Pero kung sadyang kapos na sa panahon,l magpapatawag na lamang ng special session ang malakanyang dahil ayaw ni Pangulong Rodrigo Dterte na magkaroon ng reenacted budget dahil malalagay sa alanganin ang recovery at rehabilitation plan ng pamahalaan para sa COVID-19.

 

 

Read more...