Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 2:30 ng hapon ng Huwebes, Oct. 8 ay yellow warning na ang nakataas sa Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababbang lugar at pagguho ng lupa sa bulubundukinig lugar.
Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at ng Habagat.
Samantala, sinabi ng PAGASA na sa susunod na mga oras ay makararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Zambales, Nueva Ecija at Tarlac.
Habang ganitong lagay na ng panahon ang umiiral sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Bataan at Pampanga.
MOST READ
LATEST STORIES