Ito ang pahayag na inilabas ng City Health Officer ng Lungsod na si Dr. Herbee Manaligod-Barrios sa CPIO.
Ayon kay Barrios, batay sa kanilang ginawang contact tracing ay nahawahan ng isang guro ang walo pa nitong kasamahan at dalawang working students na nakasama nila sa pag-iikot sa Barangay Naguilian Sur.
Sinabi ni Dr. Barrios na patuloy ang ginagawang contact tracing ng Pamahalaang Panlungsod at ng CHO ng Ilagan City upang mahanap ang lahat ng mga nakasalamuha ng mga naturang guro at estudyante.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Mayor Jay Diaz ang pagsasailalim sa total lockdown sa 10 barangay sa lungsod.
Ang buong Ilagan City ay nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.
Nasa ilalim ng Total Lockdown ngayon ang mga Barangay ng Balikatan, Bliss, Sta Barbara, Baculud, Calanagui 1st, Calamagui 2nd, Naguillian Sur, Naguillian Norte, Malalam at Centro Poblacion.