Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Bohol Governor Arthur Yap na travel bubble muna ang gagawin sa Panglao, ibig sabihin, mahigpit na imo-monitor ang mga lokal na turista na bibisita sa isla.
Mag-aaccredit aniya sila ng mga establisyemento para payagang magbukas na.
Ayon kay Yap, kinakailangan na magpa rehistro muna ang mga turista sa website ng Bohol para makakuha ng quick response code.
Kapag may QR code, maari nang magpa-book ng ticket at dadalhin na sila sa mga accredited na hotel.
Kinakailangan din aniya na mayroong dalang negative result ng pcr test ang isang turista na ginawa sa nakalipas na 48 oras.
Tinatarget muna aniya ngayon ng lokal na pamahalaan ng Bohol ang group tourists o sa mga events gaya ng team building, family reunion,, kasal at iba pa para mabilis na mamonitor kung nasusunod ang health standards.