Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Sotto na hindi katanggap-tanggap na ipinapasa ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Senado ang sisi sakaling ma-delay ang pagpasa ng budget.
Ayon kay Sotto, dapat maisumite ang national budget sa Senado bago ang napagkasunduang orihinal na petsa na Oct. 17.
Sa kaniyang tweet sinabi ni Sotto na isang buong buwan na nabinbin sa Kamara ang pambansang budget.
“Do not be misled. The HOR has delayed the budget for a whole month. Noone can ever blame the Senate for this delay. NEVER!” ayon kay Sotto.
Una nang nagbabala ang mga senador na maaring magkaroon ng re-enacted budget sa taong 2021 matapos na agad mag-suspinde ng sesyon sa Kamara.