Yellow rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Cavite, Laguna at Batangas

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang lalawigan sa Southern Luzon.

Sa inilabas na rainfall warning ng ng PAGASA alas 10:30 ngayong umaga ng Huwebes, Oct. 8 ay yellow warning na ang nakataas sa Cavite, Laguna at Batangas.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababbang lugar at pagguho ng lupa sa bulubundukinig lugar.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at ng Habagat.

Samantala, sinabi ng PAGASA na sa susunod na mga oras ay makararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila.

Habang ganitong lagay na ng panahon ang iumiiral sa lalawigan ng Rizal.

 

 

 

Read more...