Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Occidental Mindoro at Northern Palawan

Dahil sa nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Occidental Mindoro at Northern Palawan,

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 10:10 ngayong umaga ng Huwebes, Oct. 8 ay orange warning na ang nakataas sa dalawang nabanggit na lugar.

Yellow warning naman ang umiiral sa Southern Palawan.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababbang lugar at pagguho ng lupa sa bulubundukinig lugar.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at ng Habagat.

 

 

 

Read more...