Bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at bahagi ng Cavite mawawalan ng suplay ng tubig simula ngayong araw
Magsasagawa ang Maynilad ng maintenance activities sa water treatment plant nito sa Muntinlupa City at sa pumping station nito sa Las Piñas City.
Layon nitong patuloy na mapabuti ang serbisyo patubig sa West Zone.
Dahil dito, ang mga customer sa ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque sa Metro Manila; at ilang bahagi ng Bacoor at Imus sa Cavite ay pansamantalang makakaranas ng paghina ng pressure o kawalan ng tubig sa loob ng ilang oras, simula mamayng gabi (Oktubre 13) hanggang sa Oktubre 15.
Paalala ng Maynilad, may mga lugar na dalawang beses mawawalan ng tubig sa pagitan ng Oktubre 13 at 15, 2020.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.
May itatalaga ding water tankers para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.
Payo ng Maynilad, kapag bumalik na ang supply ng tubig ay padaluyin muna nang panandalian hanggang sa luminaw ito.
Narito ang mga lugar na maaapektuhan ng interruption at oras at petsa ng pagkawala ng tubig:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.