Orange rainfall warning nakataas pa rin sa Southern Leyte

Dahil sa nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa Southern Leyte.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 8:08 ngayong umaga ng Huwebes, Oct. 8 ay orange warning na ang nakataas sa buong lalawigan.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at ng Habagat.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababbang lugar at pagguho ng lupa sa bulubundukinig lugar.

Samantala, yellow warning naman na ang umiiral sa Occidental Mindoro at sa Northern Palawan.

 

 

 

Read more...