Mga lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na ga oras sa ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Ayon sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 5:47 ng umaga ngayong Huwebes, Oct. 8 ay katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Bataan, Batangas, Laguna, at Bulacan sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Tanza, Naic, Maragondon at Ternate sa Cavite; Tayabas, Lucban, Sampaloc, Mauban at Lucena sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng flashflood o landslides.

 

 

Read more...