(UPDATE) Rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa LRT-2 Santolan Station.
Ito ay makaraang may mamataang usok mula sa loob ng istasyon.
Maitim ang usok na nakita ula sa itaas ng Santolan Station.
Nagmamadali din ang mga gwardya ng istasyon bitbit ang mga fire extinguisher.
Wala pang opisyal na pahayag mula sa pamunuan ng LRT-2 hinggil sa insidente.
Pero ayon sa Pasig Fire Central natanggap nila ang tawag na mayroong sunog sa loob ng LRT-2 Santolan alas 5:30 ng umaga.
Ayon sa Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa electrical room ng istasyon.
Walang biyahe ng mga tren sa naturang istasyon simula pa noong Oktubre ng nakaraang taon makaraan ang insidente ng sunog.
Sa ngayon ang biyahe ng mga tren ng LRT-2 ay mula Cubao hanggang Recto lamang at pabalik.