Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 7,593

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, October 6), nadagdagan ng 143 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 7,593.

Sa nasabing bilang 833 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 303 kung saan nakapagtala ng 3 bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 8,732 na.

 

 

 

Read more...