Santiago, Ilocos Sur niyanig ng magkasunod na lindol

Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Ilocos Sur.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.1 na pagyanig sa 17 kilometers southwest ng bayan ng Santiago, ala-1:54 umaga ng Huwebes, October 8 at may lalim na 3 kilometers.

Magnitude 3.0 na pagyanig naman ang sumunod na naitala sa 17 kilometers southwest ng bayan ng Santiago, alas-2:02 umaga at may lalim na 18 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...