Higit 100 residente sa Central Visayas, gumaling sa COVID-19

Nagkaroon pa ng 44 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 7, 21,276 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,134 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 107 ang bagong gumaling kung kaya 18,849 na ang COVID-19 recoveries.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, nanatili sa 1,293 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...