Panibagong video ng 3 dayuhan at Pinay na bihag ng Abu Sayyaf, lumutang

Samal-kidnap-victims-corrected-Robert-Hall-660x371Nagbabala ang Abu Sayyaf Group na ‘may masamang mangyayari’sa 3 dayuhan at isang Pinay na kanilang bihag kung hindi maibibigay ang kanilang ransom demand sa lalong madaling panahon.

Ito ang nilalaman ng panibagong video na inilabas ng grupo na may hawak sa mga Canadian hostage na sina John Ridsdel, Robert Hall at Pilipina nitong nobya na si Flor at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad.

Sa video, isiniwalat ng grupo na may hanggang April 8 ang mga kinauukulan upang ibigay ang kanilang iginigiit na ransom kapalit ng buhay ng mga bihag.

Makikita sa video ang mga nakaluhod na mga bihag na napapaligiran ng mga armadong bandido.

Isa sa mga ito ang may bitbit na machete na nakatutok sa leeg ng bihag na si Ridsdel na humihiling sa kanilang kani-kanilang pamahalaan na tulungan silang mapalaya.

Hiling pa ng mga biktima, hanapan ng paraan na mabayaran ang hindi tinukoy na halaga ng ransom demand ng bandidong grupo sa loob ng tatlompung araw, upang mailigtas ang kanilang mga buhay.

Sa video, maririnig din ang isang nakamaskarang bandido na isinisiwalat ang kanilang April 8 deadline sa wikang Ingles.

Ang apat ay matatandaang sapilitang dinukot ng mga armadong grupo sa Overview Marina sa Island Garden City of Samal noong September ng nakaraang taon.

Read more...