Naganap umano ang mga false representations ni dating PDIC chief Vitaliano Nañagas II noong ito ay chairman pa ng Development Bank of the Philippines o DBP.
Sa desisyon ng Sandiganbayan, lumitaw na humiling ng travel expenses at allowance si Nañagas nang magtungo ito sa Amerika sa pagitan ng May 15 hanggang June 11, 2004 na inaprubahan ng DBP board sa pag-aakalang ito ay opisyal na byahe.
Gayunman, lumabas na sa pagitan ng May 22 hanggang June 8, 2004, personal ang naging lakad sa Estados Unidos ni Nañagas.
Sa kabila ng pagiging personal na byahe, humirit umano ang dating PDIC chief ng halos kalahating milyong pisong reimbursement sa kanyang naging byahe.
Lumitaw pa sa desisyon na ilan sa mga biniling gamit ni Nañagas na kanyang pinare-reimburse ay mga personal na gamit tulad ng underwear, lingerie at iba pa.
Gayunman, iginiit nito na mga corporate gifts at hindi personal na gamit ang mga gamit na kanyang binili habang nasa abroad. Dahil dito, sinampahan ng paglabag sa section 3 (i) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at estafa, si Nañagas.
Pinatawan din ito ng parusa na 4 hanggang 14 na na taong pagkakakulong dahil sa graft at estafa.