Naitala ang mga bagong kaso mula sa 970 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (October 7), 5,111 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 657 o 12.85 porsyento ang aktibong kaso.
Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 4,404 o 86.17 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 50 naman ang mga residenteng nasawi o 0.98 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES