Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, halos 5,000 na

Napaulat ang 50 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:17, Miyerkules ng hapon (October 7), 4,957 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 447 ang aktibong kaso.

20 ang itinuturing na probable cases habang 1,330 ang suspected cases kung saan 17,436 ang cleared na.

63 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,357 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Umakyat naman sa 153 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...