Halos 200 COVID-19 recoveries, naitala sa Western Visayas

Nagpositibo ang 155 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 7, umakyat na sa 12,837 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,707 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 75.51 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

182 naman ang gumaling pa kaya 8,842 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 288 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...