Posibleng ilabas na ang resulta ng 2015 Bar examinations na ginanap noong Nobyembre ng nakaraang taon sa katapusan ng Abril o sa pagpasok ng Mayo.
Ito ang inihayag ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro.
Si De Castro ang nanguna sa ika-114 Bar exams noong nakaraang taon.
Ayon kay De Castro, magaganap ang oath taking ng lahat ng mga makakapasa sa Bar exams sa June 16.
Umabot sa 7,146 ang sumailalim sa naturang pagsusulit sa University of Sto. Tomas noong November 2015.
Ang naturang pagsusulit ay sumentro sa Political Law, Labor Law, Civil Law, Taxation, Mercantile Law, Criminal Law, Remedial Law, at Legal and Judicial Ethics.
MOST READ
LATEST STORIES