Ito ay kung pipilitin ng Supreme Court ang Comelec na gumamit ng voter’s receipt.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, meron ding mungkahi sa En Banc kanina na baguhin ang source code o human readable instruction.
Kasabay nito, sinabi ni Bautista na maghahain na bukas ang Solicitor General ng Motion for Reconsideration sa SC para ipabaliktad ang naunang desisyon.
Sa lunes naman aniya ay pupulungin ang Comelec Advisory Committee pati na ang Technical Committee para pag-aralan kung ano ang gagawin sa kautusan ng SC na mag-isyu ng voters receipt.