Halos 400 violators sa iba’t ibang ordinansa, nahuli sa Navotas City

Umabot sa 399 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Martes ng hapon (October 6), hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 7).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 247 kung saan 161 ang adult habang 86 ang menor de edad.

Sumunod dito ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 144.

Wala namang nahuli na hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, isa ang nahuling umiinom naninigarilyo, apat ang walang suot pang-itaas habang dalawa naman sa iba pang ordinansa.

Read more...