BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 329,637

Hindi muli lalagpas sa 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (October 7), umabot na sa 329,637 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 49,989 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,825 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.4 porsyento ang asymptomatic; 1.5 porsyento ang severe habang 3.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 60 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 5,925 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 437 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 273,723 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...