Yellow rainfall warning, nakataas sa Cebu

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Visayas.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:21 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA) at Southwest Monsoon o Habagat.

Nakataas ang yellow warning sa Cebu (Central Cebu).

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

Read more...