Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Miyerkules ng umaga (October 7), dalawang araw simula nang magbukas ang klase noong Lunes.
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,788,626 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 89.26 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,557,317 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,175,495 naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,873,243.
Umabot naman sa 7,830,131 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,845,546 sa Senior High School.
Nasa 1,770,532 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 396,665 sa Alternative Learning System.
72,509 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
“DepEd is still anticipating an increase in enrollment figures as reports from the field continue to come in. Schools will also accept late enrollees even beyond the school opening, as provided by DepEd Order No. 003, s. 2018,” pahayag ng kagawaran.