Bahagi ng Central Luzon, CALABARZON makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lugar sa Central Luzon at CALABARZON, ayon sa PAGASA.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:30 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Quezon, Laguna at Batangas.

Maaapektuhan din ang Santa Cruz at Candelaria sa Zambales.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...