Ayon kay Dra. Socorro Lupisan, Director ng RITM sa panayam ng Radyo Inquirer, bukod sa 36-anyos na foreigner at sa babaeng nakahalubilo nito, may dalawa pang lalake at babae ang kanilang isinailalim sa mga kaukulang pagsusuri upang matukoy kung mayroon sila ng naturang virus.
Ang apat aniya ay magkakahiwalay na nagtungo sa kanilang ospital upang magpasuri dahil sa nararanasang sintomas na kahalintulad sa mga nararanasan ng may MERS tulad ng ubo, sipon at lagnat.
Dahil rin aniya sa ‘travel history’ ng mga ito, nagpasya silang isalang sa ‘isolation’ ang mga pasyente at idaan sa mga kaukulang pagsusuri ang mga ito.
Samantala, gumaganda na ang kalagayan ng 36-anyos na dayuhan na una nang nakumpirmang may taglay na MERS.
Nagnegatibo na rin sa MERS ang babaeng nakahalubilo ng dayuhan bagama’t kinakailangan pa silang obserbahan ng ilang araw bago tuluyang i-discharge./Jay Dones