Falcon, papasok sa Silangang Bahagi ng Luzon

pagasa-satellite chan hom
Larawan mula sa www.pagasa.dost.gov.ph/

Namataan ang bagyong ‘Falcon’ (Chan-hom) sa layong 1,495 kilometro sa silangang bahagi ng Luzon.

Sa 5:00 PM update ng PAGASA, nagtataglay ang bagyo ng maximum sustained winds na 130 kph malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 160 kph.

Inaasahang patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong west-northwest sa bilis na 20 kph.

Gayunman, hindi inaasahang magla-landfall ang naturang bagyo.

Ang Habagat o ‘monsoon rains’ ang siyang nagdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos, Cordillera, MIMAROPA at mga lalawigan ng Bataan at Zambales.

Paminsan-minsang pag-ulan ang inaasahan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Gitnang Luzon. / Jay Dones

Read more...