Ilan lamang sa payo ng NPC sa mga mag-aaral ay ang mga sumusunod:
– Lumikha ng matibay na passwords sa pag sign up sa e-learning platforms. Ang password ay dapat hindi bababa sa 12 ang characters, may upper at lower case letters, numbers at gamitan din ng symbols.
– Maging alerto sa panahon ng online classes lalo na sa pagbabahagi ng mga video, larawan at files.
– Gumamit ng customized backgrounds para maiwasan ang aksidenteng disclosure ng personal na impormasyon.
– Pag-install at regular na pag-update ng anti-virus program.
– Pag-mute ng microphone at pag-off ng camera kapag hindi naman nagsasalita o nagre-recite.
– Kung aalis sa desk o lamesa i-off muna ang camera at i-mute ang microphone.
Nagpalabas din ang NPC ng mga payo sa magulang o guardians kung paano nila matutulungan na protektado online ang kanilang mga anak.
Ang mga guro naman, pinaiiwas ng NPC sa pagpo-post ng anunsyo na naglalaman ng personal na datos ng mga mag-aaral.