Suspek sa pamumugot ng ulo sa Rizal nasawi sa shootout sa Zambales

Patay sa shootout ang isang lalaking suspek sa pamumugot ng ulo sa lalawigan ng Rizal.

Nangyari ang engkwentro sa Subic, Zambales.

Ayon sa Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang suspek ay kinilalang si Edison Villaran.

Si Villaran ay pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Jesus Armoliga, na residente ng Cardona, Rizal.

Isisilbi dapat ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa suspek nang ito ay manlaban at magpaputok sa mga pulis.

Nakuha sa lugar ang kalibre 45 na baril na ginamit ni Villaran.

Si Armoliga ay pinagsasaksak at pinugutan ng ulo ni Villaran kasabwat ang kapatid nitong si Jovito Villaran.

Nangyari ang insidente noong September 16, 2019.

 

 

Read more...