Yellow rainfall warning nakataas sa lalawigan ng Romblon

Nakataas ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Romblon.

Ito ay dahil sa nararanasang tuluy-tuloy na pag-ulan sa nasabing lalawigan dulot ng Low Pressure Area (LPA) at Habagat.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong araw Oct. 7, yellow warning ang umiiral sa nasabing lalawigan.

Nagbabala ang PAGASA na ang nararanasang pag-ulan ay maaring magdulot ng flashflood.

Samantala, nakararanas din ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Marinduque, Oriental Mindoro (2nd District), Albay (Rapu-rapu, Manito, Bacacay), Catanduanes, Sorsogon at Northern Samar.

 

 

 

 

 

Read more...