Magnitude 4.0 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Muling nakapagtala ng magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa PHIVOLCS ang pagyanig ay naitala sa layong 53 kilometers Southeast ng General Luna alas 8:32 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 7.

15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Ito na ang ikawalong may kalakasang pagyanig sa General Luna.

Narito ang mga naitalang pagyanig ngayong araw:

4:49AM – Magnitude 4.0 (General Luna)
5:07AM – Magnitude 3.0 (General Luna)
5:18AM – Magnitude 3.9 (General Luna)
5:29AM – Magnitude 4.1 (General Luna)
5:45AM – Magnitude 3.3 (General Luna)
6:05AM – Magnitude 3.6 (General Luna)
6:40AM – Magnitude 4.2 (General Luna)
8:32AM – Magnitude 4.0 (General Luna)

 

 

 

Read more...