Yellow rainfall warning nakataas pa rin sa Cavite, Laguna, at Rizal

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Southern Luzon.

Ito ay dahil sa nararanasang tuluy-tuloy na pag-ulan sa nasabing mga lalawigan dulot ng Low Pressure Area (LPA) at Habagat.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong araw Oct. 7, yellow warning na ang umiiral sa Cavite, Laguna at Rizal.

Samantala, makararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa susunod na mga oras sa lalawigan ng Bataan, Bulacan, at Pampanga.

Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan na sa Metro Manila, Batangas at Quezon.

 

 

 

Read more...