Ayon ito kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at PHIVOLCS Dir. Renato Solidum.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Solidum na ang pagyanig ay mula sa Philippine Trench.
Huling nakapagtala ng malakas na pagyanig sa karagatan ng Surigao noong 1950s na umabot sa magnitude 7.7 ang lakas.
Kabilang sa kailangang paghandaan ayon kay Solidum ay ang posibilidad na magresulta ng mas malakas na pagyanig ang sunud-sunod na nararanasang lindol.
Pero maari din naman aniyang huminto na ang pagyanig.
Sa kabila nito, payo ni Solidum mabuting paghandaan ang posibilidad ng malakas na pagyanig na maaring magdulot ng tsunami.