India nakapagtala ng mahigit 72,000 kaso ng COVID-19 sa magdamag

Nadagdagan ng mahigit 72,000 pa ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 6,754,179 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 5.7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India.

Mas mataas ang recovery rate ng India kumpara sa recovery rate ng Estados Unidos na nakapagtala pa lamang ng mahigit 4.9 million na gumaling.

Samantala, mahigit 908,000 pa ang active cases sa India.

May naitala ding dagdag na halos 1,000 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 105,591 na.

Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.

 

 

Read more...