Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.36 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (October 7) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 178.56 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.65 meters mas mababa ng bahagya sa antas nito kahapon na 99.66 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.39 meters mas mababa sa 79.41 meters na antas nito kahapon.

Samantala, ang water level ng San Roque, Pantabangan, at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Binga at Caliraya dams.

 

 

Read more...