Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Naitala ang pagyanig sa layong 16 kilometers southwest ng bayan ng Don Marcelino alas 6:41 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 7.

Ayon sa PHIVOLCS, 70 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...