Look out bulletin laban sa mga suspek sa pagpatay sa Solaire executive, inilabas na ng Bureau of Immigration

SolaireNagpalabas na ng lookout order ang Bureau of Immigration laban sa apat na suspek sa pagpatay sa Assistant Manager ng Solaire Hotel and Casino na si Edgel Joy Durolfo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay BI spokesperson Nikki Reyes, kabilang sa lookout bulletin sina Rodney Ynchausti na live-in partner ng biktima at sina alyas Paul Egoc, Molo Hwang, at Josiebelle Uy

Sa ilalim ng look out order, inaatasan nito ang lahat ng immigration officer na i-monitor at maging alerto kung namataan ang apat sa mga international airports at seaports.

Matatandaang una nang sinampahan ng kasong murder ng Parañaque police ang apat na suspek.

Read more...