Ito’y kasunod ng mga ulat na anim hanggang sampung buwan na lamang ang buhay ng ahensya.
Giit ni De Jesus, kailangang masuri ang financial status ng Philhealth.
Ayon sa Lady Solon, ang Philhealth ay tumatanggap ng malaking pondo mula sa gobyerno kada taon.
Bukod dito, nagtaas ang ahensya ng mandatory contributions mula sa Overseas Filipino Workers o OFWs at mga empleyado mula sa pampubliko at pribadong sektor.
Noon din aniyang 2015, 42 percent ng pondo ng Department of Health o 37.4 billion pesos ang napunta sa Philhealth, habang ngayong 2016 ay may alokasyon itong 43.8 billion pesos.
Kaya ani De Jesus, malaking tanong kung saan napupunta ang pera ng Philhealth, gayung hindi naman nito natutugunan ang lahat ng pangangailangang pangkalukusagan ng nakararaming Pilipino.
Babala ni De Jesus, isang trahedya ang mangyayari kapag hindi naimbestigahan ang suliranin maging ang umano’y kurapsyon sa Philhealth, gaya ng mga kwestiyonableng bonuses.