Ang naturang severe tropical storm ay huling namataan sa layong 1,600 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 125 kilometers bawat oras.
West northwest ang kilos ng bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras.
Samantala, ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 320 kilometers East ng Daet, Camarines Sur.
Dahil sa naturang LPA at sa epekto ng Habagat, ang Metro Manila, Mindanao, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Central Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan.
Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, and Cagayan Valley dahil sa Northeasterly Surface Windflow.
Samantala, nakataas pa rin ang gale warning sa baybaying dagat ng Batanes, Babuyan Island, Ilocos Norte at northern coast ng Cagayan at bawal maglayag ang may maliliit na sasakyang pandagat.