Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 58 kilometers southeast ng General Luna 4:49 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Oct. 7.
May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Samantala, alas 5:07 ng umaga muling niyanig ng magntuide 3.0 na lindol ang bayan ng General Luna.
20 kilometers naman ang lalim ng pagyanig at tectonic din ang origin.
Alas 5:18 ng umaga naman naitala ang magnitude 3.9 na pagyanig sa bayan pa rin ng General Luna at may lalim naman ito na 12 kilometers.
Habang alas 5:45 ng umaga ay naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa bayan pa rin ng General Luna at may lalim ito na 1 kilometer.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang mga pagyanig.