Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 49 kilometers southeast ng Homonhon Island (Guiuan) alas 2:43 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Oct. 7.

May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...